Hindi ko alam kung naandar ba toh pasulong, o paatras.
Tuesday, February 28, 2012
Lahat ng Babangga ay Magigiba
Ang Tunay na Chix
CHIX- eto yung mga babaeng malalakas ang dating. Hindi man kagandahan pero kapansinpansin. Hindi man sexy, pero malakas ang appeal. Kahit hindi pang FHM, Maxim, at Playboy, nakaka in-love pa din.
YENG CONSTANTINO
At alam kong kilala mo siya. Percect. Tamang kagandahan, pero kayang mag stand-out. Isa pa, talented. Nakaka in-love. Malakas ang appeal. Hindi sexy, pero malakas ang dating sa tao.
Ngayon, balik tayo sa topic. Si Yeng, chix. Etong mga toh, retarded:
Seryoso, hindi sila gumaganda sa ginagawa nila.
Sa totoo lang, hindi naman kailangan ng mga babae na maglagay ng makapal na make-up, magsuot ng sexy na damit, magpakita ng cleavage, at magpa-cute. Ang mga babae, parang Algebra. Mas maganda in the simplest form.
Madaming nakaka-irita sa mga babae ngayon. Ewan ko kung anung mali sa mundo. Pero sa ngayon mas madami yatang babae ang pipiliing maging maganda kesa maging matalino. Madami din kasing lalaking tanga.
Dun sa sinabi kong madaming nakaka-irita, oo madaming nakaka-iritang bagay na ginagawa ng iba na nakaka-irita talaga.
A. Kailangan mo pa ba ng magpakita ng cleavage sa mga picture mo?
B. DUCK FACE- sa totoo lang, ang pangit po.
C. Yung mga babaeng pumapasok sa masisikip na daan(wag kang malisyoso, halimbawa na lang ay sa mga siksikan na bus o sa PNR), kailangan mo pa bang sumigaw? Kailangan mo pa bang mag-reklamo na masikip? Obvious naman di ba? Siksikan talaga. Walang magagawa yang sigaw mo, nakaka-irita lang.
D. Hindi naman sa lahat, pero madaming babae ang makitid ang utak. Ang perpektong halimbawa ay yung mga malalandi, yung nakiki-extra pa sa isang relasyon. Anung pinapatunayan mo?
E. Makakapal na make-up. Oo nga at tumitingkad ang ganda mo, pero yung sobra? Mukha ka pong clown. Promise.
F. Yun mga malalandi ulit. Hindi lahat ng tao kaya mong maakit.
G. Yung mga magsusuot ng maiiksi, or sexy na damit. Tapos sasabihin na nababastos sila. F**k you po.
H. Yung mga SOBRA sa arte. Alam mo yan.
Hindi ko kayang ma enumerate lahat. Seryoso, hindi ko kaya. Alam ko namang mahirap intindihin ang mga babae, pero yung mga nasa taas, hindi ko talaga maintindihan. Hindi ko din masabi bakit may ganyan. Nirerespeto namin kayo. Pero sana alam niyo din sana na may kadikit na responsibilidad ang bawat respetong binibigay.
Opinyon ko lang yang mga yan, pero in behalf ng mga matitinong lalaki sa mundo, sinasabi ko 'to. Hindi namin kailangan ng sexy, kailangan namin ng matino. Please lang, sana hindi pa corrupted lahat ng babae. YOU COMPLAIN ABOUT FINDING THE RIGHT GUY, BUT PLEASE, BE THE RIGHT GIRL FIRST. Dahil ang tunay na chix, MATINO. Alam kong alam mo ang matino.
Boy: Algebra ka ba?
Girl: Bakit?
Boy: Kasi, ang ganda mo in the simplest form <3
Girl: *kilig*
Malandi: Eh sakin? Wala kang banat?
Boy: Chicharon ka ba?
Malandi: Bakit? *kilig*
Boy: Nakaka-high blood ka.
Wag mo ng gagamitin yung pick-up line sa taas. Laspag na yan.
Busy Days
Ilang araw din akong tumigil sa pagsusulat ng mga pabasa. Yun ay dahil sa nag-focus muna ako sa studies(oo, nag-aaral po ako). Madaming disappointments, madaming hardships, pero ang good side ng lahat, malaya na ulit ako mula sa pagiging busy(yehey! *sabog confetti*). At syempre, madami na ding naipong mga ideya sa pabasa.
Now I have returned.
Akala mo madali lang ang BSIT, pero HINDI!
Tuesday, February 21, 2012
ANO BANG INIIYAK IYAK MO?!
Kung hindi mo alam ang Facebook, alien ka. Kung wala kang friend sa Facebook na mahilig ngumawa sa kung ano man, congrats, nice circle of friends.
Yung mga taong ngawa ng ngawa, reklamo ng reklamo, iyak ng iyak (weee?), at kung ano ano pang ikinagagalit nila, seriously, kailangan pa bang ipinagsisigawan? Anong mali sa mundo? Kelan pa naging uso ang maging proud na bitter siya? Kelan pa nauso na ipagsigawan na may kaaway ka? Yung totoo, anong paki-alam sayo ng ibang tao?
Ang Facebook ay social-networking site. Hindi Tissue. Bow.
Hindi ako galit. Nag-eexplain lang.
Friendzone
"It's either you die as a hero, or watch yourself became the villain." -Batman
Hindi ko matandaan kung yan mismo yung sinabi, basta yan yung thought. Kapag normal kang tao, normal ang mga desisyon mo. Mga astig na tao lamang ang naiipit sa mga astig na desisyon. Kung hindi mo alam yung sinasabi ko, eto example. Kunwari bumbero ko, nasusunog yung bahay (malamang), may naiwan na tao sa loob. Ibubuwis mo ba ang buhay mo? Parang ganyan. Kung sa mga pagdedesisyon kung anung isusuot mong damit, anung kakainin mo sa lunch, at kung magda-diet ka ba o hindi ay tinatawag mo ng mahirap, mag-isip ka muna.
Yung mga martyr sa pag-ibig, minsan naiipit sa ganyan. Sa panahon ngayon, nauuso ang term na "Friendzoned". Yun yung karaniwang sinasapit ng mga babae/lalaki kung:
A. Mahal ka niya pero hindi pa tamang panahon
B. Magkaibigan kayo at ayaw niyang masira ang pagkaka-ibigan sa pagitan ninyong dalawa
C. Gusto niyang sabihin na ayaw niyang maging kayo, sa mag light na paraan. Modern way ng pambabasted
Pero hindi yun ang topic. Dapat dun tayo sa mga martyr. Ang karaniwang tao lalayo, pero ang martyr gagawa ng paraan. Masaya ng makasama ang taong mahalaga sa kanila, kahit na alam nilang walang pag-asa na maging sila. Mas pipiliin nilang mapabuti ang mga taong mahahalaga sa kanya kesa sa sarili niya. Kung hindi ka naman ganyan, trying hard ka lang.
Sa point nung quote sa taas, minsan nakakasama na din ang pagiging martyr (martyr sa pag ibig ang tinutukoy ko, bow). Hindi lang sayo, kundi pati na din sa taong gusto mo. Sayo, dahil natatanga ka. Kinukulong mo ang sarili mo sa bagay na alam mong hindi mo mahahawakan. Marahil, oo nga, worth the wait ang eksena kung magkataon man na maging maganda ang kinalabasan ng ginagawa mo, pero time is gold my friend. Masasayang ang kung anung meron ka. Desisyon mo kung magpapatali ka pa sa kinalalakihan mong sistema. Masama naman para dun sa mahal mo, dahil naiipit din siya, sa paraan kung pano niya iha-handle yung mga bagay bagay na nangyayari. Kahit anong gawin niya, masasaktan ka. Lumayo man siya o hindi, masasaktan ka. Intindihin mo naman. Walang taong manhid.
Masasaktan ka lang. Yung sayang nakukuha mo, laging panandalian lang yan. Dadating at dadating ang panahon na magtatago siya sayo. Sikreto, pangyayari, kahit ano. Matututo siya at ikaw na magsinungaling. Masakit yun, promise.
Pipiliin mo ba na maging bayani? Isasantabi mo ang sarili at personal mong kaligayahan para lang makitang masaya ang taong mahal mo?
O,
Papanuorin mo ang sarili mo na maging hadlang sa kanyang mga desisyon at personal na plano?
Minsan, hindi masama lumayo. Alamin mo lang kung kelan, at ano ang tamang dahilan.
Kung sa bagay, friendzone guy din sa Batman.
Monday, February 20, 2012
Proud? Tss.
Sa Alamat ng Ampalaya, si Ampalaya, hindi pinagmamalaking Ampalaya nga siya. Eh bakit ikaw? Kelan pa nauso ang maging proud sa pagiging bitter?
Kung wala ka talagang paki-alam, hindi mo ipagsisigawan na wala kang paki-alam. Ang ampalaya, kinakain. Hindi inuugali.
Kani-Kanina Lang
Ganito ang nangyari, pauwi na ako galing sa PUP Sta. Mesa (oo, PUPian ako). Normal ang lahat. Normal na normal, kahit sa pagsakay ko ng jeep. Sa totoo lang, mahilig akong sumakay sa unahan ng jeep. Hindi dahil sa gusto ko ang view, kundi dahil ayaw kong nakikipag-siksikan. At least kapag nandun ako, dalawa lang talaga kayong uupo sa upuan. Pero hindi nandun yung kwento. Ganto na ang nangyari. Pagkasakay na pagkasakay ko, nagbayad agad ako kay Manong Driver. Buong isang-daang piso. Yung violet. Yun. Mga after 5 minutes, nasuklian naman ako, kaya okay na ang byahe. Idlip idlip na lang ang gagawin ko hanggang sa makarating sa Boni.
Okay na sana ang lahat, kaso may biglang sumingit. May babae, (first year siguro, inosente yung mukha eh), naka- PE uniform, tapos nagsalita:
"Manong, yung sukli po sa isang daan?"
Hindi naman ako apektado dun sa babae, normal lang naman yata na malimutan ng driver yung sukli. Pero nagulat ako sa sinabi ng driver:
"Anung isang-daan? Siya lang yun nagbayad ng isang-daan sa'kin" sabay turo ng driver sakin.
Nagtataka ako kung bakit ako napasama sa issue. Siguro dahil ako nga yung unang mapapansin niya kapag nagbayad, dahil nga nasa harapan ako. Pero parang naawa ako bigla. Pinagpipilitan kasi ng driver na wala ng ibang nagbayad ng P100. Nahiya naman ako sa mga nakasakay sa jeep. Kahit di nila ako kita, dawit ako dun. Baka iniisip nilang kinuha ko yung sukli nung babae. Naka-suot pa naman ako ng college shirt namin. Kahihiyan abot ko nun. Panigurado. Napatunayan ko na din nung mga panahon na yun na first year nga lang yata yung babae, dahil hindi na siya lumaban sa driver, kahit alam niyang kulang.
Noong mga oras na yon, talagang naaawa ako. Alam ko namang sa Boni din siya bababa, kaya sabi ko, pagbaba, ililibre ko na lang siya ng pamasahe. Pero di pala siya nag-iisa, may kasama pa siyang dalawang babae. Yung isa, matapang. Nakipag-usap din sa driver. Yung isa, extra, taga-ulit lang ng sinasabi nung dalawa. Naiirita na din ako nun. Ikaw ba namang ituro ng ituro nung pesteng driver, edi parang naging kasabwat pa ako nun.
Naging mainit din yung balitaktakan nung dalawang panig. Si Manong, tutal matanda na din, mahinahon magsalita. Yung isang babae, yung matapang, siya yung nakikipagtalo. Yung nawalan ng isang-daan, naiyak na yata (di ko kita, kasi nga nasa likod sila, at malabo ang mata ko para tumingin pa sa rear-view mirror). Tapos yung isa, extra lang talaga. Sa huli, wala silang magagawa. Dumating na sa Boni. Kailangan talaga nilang bumaba. Hindi ko alam kung lalapit pa ako dun sa babae para tumulong. Kung tutulong ako, magmumukhang ako yung kumuha nung pera. Kung hindi naman, parang napaka- walang kwenta ko naman, nadawit na nga sa issue, magpapatay bahala pa. Sa huli, bumaba din yung tatlo. Pero yung matapang nga na babae, sinabihan yung manong:
"Iyong iyo na yung pera. Hindi kami makikipag-patayan dyan. Palibhasa malabo mata mo."
Pagbaba, hindi ko alam yung gagawin. Iiba ba ako ng daan? Kaso kapag nag-iba ako ng daan, baka isipin nilang umiiwas ako, at talagang may kasalanan ako. Nakaka-paranoid yung sitwasyon. Sobra. Nang-lilisik tumingin yung babae. Sira na yata dangal ko pag nakita pa ako nun. Isang malupit na poker face na lang, habang naglalakad. In that way, walang reaksyon, walang makikitang kaba, at mawawala sa isip ko na baka bigla na lang akong kotongan mula sa likod.
Naisip ko bigla, tama bang hindi ako tumulong? Naalala ko yung kumalat na mga modus sa mga bus at jeep. Yun kaya ang nangyari kanina? Mahirap. Muntik na talaga ako dun. Mahirap pa naman akong magtago kung inosente o hindi. Kabado ako kapag biglaan ang nangyayari.
Sa huli, hindi ko na matanaw sila ate. Hindi ko din matandaan mga mukha nila. Malabo kasi ang mga mata ko. Siguro kapag nakita ko ulit yung mata nung Ateng Matapang ay maaalala ko siya. Pero bakit gusto kong hanapin yung mga babae? Siguro gusto ko din bumawi. Parang, dinadala ng konsensya ko na hindi ako tumulong. Sa totoo lang, kahit alam kong wala akong magagawa, hindi pa din matanggal sa isip ko na isa pala ako sa mga taong walang paki-alam. Yung mga taong walang paki-alam. Alam kong alam mo yun.
Minsan, nahihirapan kang mag-desisyon, hindi dahil sa hindi mo alam ang gagawin, kundi sa hindi ka lang talaga sanay. Practice makes perfect talaga. O depende na lang sa moral na iniintindi mo.
Friday, February 17, 2012
Laging May Pag-Asa
Alam mo sa sarili mo na dapat ka ng sumuko. Pero bakit hindi mo ito ginagawa? Bakit nga ba? Marahil, punong puno ka pa din ng pag-asa.
Madaming tao ang sobrang positibo ang pananaw sa buhay, kahit na ulanin ng pagsubok at mga dagok, tuloy pa din ang laban. Apir, idol ko kayo. Bihira na lang ang mga ganyang tao. Hindi na madaling maghanap ng mga taong kumakapit pa din sa alam nilang nakakasugat sa kanila.
Kung makakakita ka pa ng mga taong tapat, please lang, alagaan mo. Hindi araw araw may lalapit sa'yo na matitinong tao.
Thursday, February 16, 2012
Ang Tamang Pag-Iisip
Sa totoo lang, wala naman talagang tama at perpektong pag-iisip. Bawat tao matalino, depende na lang sa pagkakahubog. Hindi mo alam, may naitatago kang galing. Kahit ang simpleng gawain, hindi mo alam pwede palang tawaging talento. Malawak ang utak ng tao, mahirap ipaliwanag at intindihin.
Pero hindi yun ang punto ko. Ano nga ba ang tamang pag-iisip? Wala namang maling opinyon di ba?
Sa aking pananaw, namumuhay ang mga tao ayon na lang sa sinusunod nilang moral. Kung san ang sa tingin nilang tama, iyon ang tama. Kung ano ang alam nilang mali, iyon din ang mali. Minsan sa mismong society na ng tao naka depende kung ano ang moral na kalalakihan niya. Hindi mo alam, kung tama ba ito o hindi, basta sinusunod ng nakararami, iyon na din ang susundin mo.
Hindi mo alam, minsan nagiging bias masyado ang utak mo sa bawat bagay. Hindi mo alam kung ano nga ba ang tamang paniwalaan at tanggapin, o ang mali at dapat iwasan. Tulad ng sinabi ko, naka-depende ito sa sinusunod mong moral. Wala tayong magagawa kung ang tama sa kanya ay mali sa paningin mo, at kung ang pangit sa panlasa mo ay maganda para sa iba.
Walang mali o tamang pag-iisip, naka-depende na lang ito sa kung ano sa tingin mo ang dapat mong ibigay na opinyon. May free will ang bawat tao. Gamitin mo. Kalokohan ang mga taong pumipigil sayo upang magsalita. Hindi ka laging mali, tandaan mo, lahat tayo ay may pagkaka-iba. Pwede mong kontrahin ang nakararami, pwede kang manindigan. Pwede ka ding pumanig sa kanila, at maki-isa sa pinaglalaban. Pero tandaan mo, hindi ka binigyan ng free will at matalinong pag-iisip para lang mabuhay.
Malalaman mo lang ang tunay na kahulugan ng buhay, kung alam mong nagamit mo sa tama ang lahat ng bagay na alam mong pwede mo ding ibahagi sa iba.
Ano nga ba ang Tama?
"May tamang oras para sa lahat"
Tama naman, hindi ka dapat nagmamadali. Dadating at dadating din ang pagkakataon at ang tamang oras. Kaya lang, di ka kaya nawawalan ng oportunidad para sa iba pang bagay?
Mag-isip ka, hindi lahat ng bagay dapat mong iasa sa oras. Time is gold daw. Tandaan mo, isang beses ka lang pwedeng tumapak sa isang partikular na segundo.
Ang oras, ay ang isa sa pinaka-magandang bagay na pwede mong ibigay sa isang tao. Pag-isipan kung kanino mo ibibigay ang bawat gintong segundo.
Sa Totoo lang
Sa totoo lang, mas madaming babae ang mas gustong maging maganda kesa maging matalino.
Madami din kasing lalaki ang tanga.
Sa Totoo Lang
May sinusunod akong kasabihan, ang tawag ng iba dito, ang Golden Rule, pero kasabihan pa din sya. At kay Pareng Confucius daw ito galing:
"Gawin mo sa iba ang gusto mong gawin nila sa'yo"
May isa pang version yan. Parang ni-reverse lang yung meaning(kung di mo alam ang meaning ng reverse, *facepalm*), pero iisa ang thought:
"Wag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa'yo"
Pero may isang humihirit, ang sabi naman:
"In every rule, there is always an exception"
Kung hihimaying mo yang mga yan ng maigi, may point lahat yang mga yan, kaya lang, kinokontra nung pangatlo yung naunang dalawa. Tama naman. By experience, may exception talagang mangyayari kung sinusunod ng buhay mo yang Golden Rule.
Una sa lahat, hindi lahat ng ginagawa mo bumabalik sayo. Kahit tanungin mo lahat ng matitinong tao sa mundo, hindi lahat ng effort at ginagawa mo bumabalik. Natural lang naman na hindi mo hingiin ang credit sa ginagawa mo, kaya lang parang ang lugi naman, kung sobra kang magpahalaga sa iba, pero kahit anong gawin mo, hindi ka magiging priority.
Pangalawa, madami akong kilala na mababait, malakas magtiwala sa ibang tao, pero inaahas. Tulad ng sinasabi nila, tanghali na nga lang talaga ang tapat. Gaya ng sinabi ko, ang lugi naman talaga kung ikaw lang mag-isa nagpapahalaga at tapat sa ginagawa. Hindi mo naman sila inaaway, pero minsan ikaw pa yung dehado, naiiwan sa ere, at mag-isip ka pa ng worst na bagay na hindi mo naman ginawa sa kanila, pero nagawa nila sayo. Sakit noh?
Hindi ko naman sinasabi na huwag sumunod sa mga kasabihan, pero malaking bagay din ang ginagampanan ng mga kasabihan sa buhay ng tao. Minsan kasi, sa mga kasabihan natin pinapa-ikot at ibinabase ang ginagawa at lakad ng ating mga buhay. Kaya lang, sa panahon ngayon, tama namang maging praktikal. Hindi na uso ang martyr, tandaan mo yan. Wala ka na sa panahon ni Rizal at ng kung sino mang bayani ang kilala mo. Sa panahon ngayon, hindi na uso ang matalino. Mas nabubuhay ang tuso.
Sabi nga sa Natural Selection ni Charles Darwin, ito ay survival of the fittest. Hindi mo kailangang maging malakas. Minsan mas mabuti pa ang matalino.
Tingnan mo yung daga, hindi na sila nag- evolve pa simula pa lang noong sinaunang panahon. Dahil ito sa kaya nilang mag-adapt. Dapat ganyan ka din. Ikaw ay maging isang daga.
Introduksyon
Mag-iisang araw na pala, simula ng ginawa ko ang blog na ito. Sa totoo lang, wala talaga akong alam sa ginagawa ko. Sadyang gusto ko lang magsulat, dahil ito talaga ang dating hilig ko(oo, DATING hilig ko). Sayang naman kung hindi gagamitin di ba? Saka, na miss ko na din yata ang mampuna. Ako kasi yung klase ng tao na mahilig pumansin sa kung ano, pero hindi ko sinasabi sa iba.
Tulad ng sinabi ko, hilig ko DATI ang magsulat. Nasayang lang, dahil napadpad ang landas ko sa paglalaro ng online games, nawala ako sa staff ng official na dyaryo nung high school ako(kung bakit ako natanggal, secret na lang), at talagang wala na yata talaga akong makuhang WILL(nosebleed) para magsulat at maki-alam pa.
Sayang naman, kung sa Facebook ko lang ilalabas lahat ng gusto kong sabihin. Yun ngang may mga sense ang sinasabi, hindi naa-appreciate ng mga tao sa Facebook eh, karaniwan kasi sa mga nakikita kong madaming likes, eh yung mga status ng kung sino mang chix. Kahit tuldok lang yan, basta update galing sa chix, dinudumog ng tao.
Kung di mo alam kung ano o sino ang mga chix, hindi ka Pilipino.
Pero lumalayo tayo sa gusto kong iparating. Ano nga ba ang gusto kong sabihin? Wala naman. Gusto ko lang sabihin na gusto ko lang mampuna, ng kung ano, kahit ano, kahit sino, at kung anu man. Ayun lang. Promise, yun na yun. Hindi ko na papahabain, pero ang gusto ko lang talaga, ay ang muling magsulat.
Kung hindi mo naintindihan, wag mo ng intindihin. Promise, di mo din ako maiintindihan.
Wednesday, February 15, 2012
Pahabol na Bati Pagkatapos ng Araw ng mga Puso
Sa Totoo Lang...
Kung may problema ka, minsan mas mabuting mag-kimkim na lang ng saloobin. Sa panahon kasi ngayon, tanghali na lang yata ang tapat.
Minsan, hindi mo din alam na isa ka din sa mga hindi tapat na tao. Quits lang.
Panimula
Sa totoo lang, wala akong alam sa ginagawa ko ngayon. Siguro sa mga susunod na linggo o buwan, ay puro post lang ang magagawa ko. Pero inaasahan ko na pagkatapos ng isang taon, masasanay din akong mag-blog.
"The Great"
February 15, 2012. Matapos ang madugong Araw ng mga Puso(madugo, dahil heart breaking talaga ang mag-isa sa araw na ito), ay nag uumpisa ang isa sa mga matagal ko ng binabalak.
Hindi lang sa kasaysayan makikita ang pangalan na may "The Great".
Hindi lang sa kasaysayan makikita ang pangalan na may "The Great".
Subscribe to:
Comments (Atom)










