Thursday, February 16, 2012

Ang Tamang Pag-Iisip

Sa totoo lang, wala naman talagang tama at perpektong pag-iisip. Bawat tao matalino, depende na lang sa pagkakahubog. Hindi mo alam, may naitatago kang galing. Kahit ang simpleng gawain, hindi mo alam pwede palang tawaging talento. Malawak ang utak ng tao, mahirap ipaliwanag at intindihin.

Pero hindi yun ang punto ko. Ano nga ba ang tamang pag-iisip? Wala namang maling opinyon di ba?

Sa aking pananaw, namumuhay ang mga tao ayon na lang sa sinusunod nilang moral. Kung san ang sa tingin nilang tama, iyon ang tama. Kung ano ang alam nilang mali, iyon din ang mali. Minsan sa mismong society na ng tao naka depende kung ano ang moral na kalalakihan niya. Hindi mo alam, kung tama ba ito o hindi, basta sinusunod ng nakararami, iyon na din ang susundin mo.

Hindi mo alam, minsan nagiging bias masyado ang utak mo sa bawat bagay. Hindi mo alam kung ano nga ba ang tamang paniwalaan at tanggapin, o ang mali at dapat iwasan. Tulad ng sinabi ko, naka-depende ito sa sinusunod mong moral. Wala tayong magagawa kung ang tama sa kanya ay mali sa paningin mo, at kung ang pangit sa panlasa mo ay maganda para sa iba.

Walang mali o tamang pag-iisip, naka-depende na lang ito sa kung ano sa tingin mo ang dapat mong ibigay na opinyon. May free will ang bawat tao. Gamitin mo. Kalokohan ang mga taong pumipigil sayo upang magsalita. Hindi ka laging mali, tandaan mo, lahat tayo ay may pagkaka-iba. Pwede mong kontrahin ang nakararami, pwede kang manindigan. Pwede ka ding pumanig sa kanila, at maki-isa sa pinaglalaban. Pero tandaan mo, hindi ka binigyan ng free will at matalinong pag-iisip para lang mabuhay. 

Malalaman mo lang ang tunay na kahulugan ng buhay, kung alam mong nagamit mo sa tama ang lahat ng bagay na alam mong pwede mo ding ibahagi sa iba.

No comments:

Post a Comment