"Gawin mo sa iba ang gusto mong gawin nila sa'yo"
May isa pang version yan. Parang ni-reverse lang yung meaning(kung di mo alam ang meaning ng reverse, *facepalm*), pero iisa ang thought:
"Wag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa'yo"
Pero may isang humihirit, ang sabi naman:
"In every rule, there is always an exception"
Kung hihimaying mo yang mga yan ng maigi, may point lahat yang mga yan, kaya lang, kinokontra nung pangatlo yung naunang dalawa. Tama naman. By experience, may exception talagang mangyayari kung sinusunod ng buhay mo yang Golden Rule.
Una sa lahat, hindi lahat ng ginagawa mo bumabalik sayo. Kahit tanungin mo lahat ng matitinong tao sa mundo, hindi lahat ng effort at ginagawa mo bumabalik. Natural lang naman na hindi mo hingiin ang credit sa ginagawa mo, kaya lang parang ang lugi naman, kung sobra kang magpahalaga sa iba, pero kahit anong gawin mo, hindi ka magiging priority.
Pangalawa, madami akong kilala na mababait, malakas magtiwala sa ibang tao, pero inaahas. Tulad ng sinasabi nila, tanghali na nga lang talaga ang tapat. Gaya ng sinabi ko, ang lugi naman talaga kung ikaw lang mag-isa nagpapahalaga at tapat sa ginagawa. Hindi mo naman sila inaaway, pero minsan ikaw pa yung dehado, naiiwan sa ere, at mag-isip ka pa ng worst na bagay na hindi mo naman ginawa sa kanila, pero nagawa nila sayo. Sakit noh?
Hindi ko naman sinasabi na huwag sumunod sa mga kasabihan, pero malaking bagay din ang ginagampanan ng mga kasabihan sa buhay ng tao. Minsan kasi, sa mga kasabihan natin pinapa-ikot at ibinabase ang ginagawa at lakad ng ating mga buhay. Kaya lang, sa panahon ngayon, tama namang maging praktikal. Hindi na uso ang martyr, tandaan mo yan. Wala ka na sa panahon ni Rizal at ng kung sino mang bayani ang kilala mo. Sa panahon ngayon, hindi na uso ang matalino. Mas nabubuhay ang tuso.
Sabi nga sa Natural Selection ni Charles Darwin, ito ay survival of the fittest. Hindi mo kailangang maging malakas. Minsan mas mabuti pa ang matalino.
Tingnan mo yung daga, hindi na sila nag- evolve pa simula pa lang noong sinaunang panahon. Dahil ito sa kaya nilang mag-adapt. Dapat ganyan ka din. Ikaw ay maging isang daga.
No comments:
Post a Comment