"It's either you die as a hero, or watch yourself became the villain." -Batman
Hindi ko matandaan kung yan mismo yung sinabi, basta yan yung thought. Kapag normal kang tao, normal ang mga desisyon mo. Mga astig na tao lamang ang naiipit sa mga astig na desisyon. Kung hindi mo alam yung sinasabi ko, eto example. Kunwari bumbero ko, nasusunog yung bahay (malamang), may naiwan na tao sa loob. Ibubuwis mo ba ang buhay mo? Parang ganyan. Kung sa mga pagdedesisyon kung anung isusuot mong damit, anung kakainin mo sa lunch, at kung magda-diet ka ba o hindi ay tinatawag mo ng mahirap, mag-isip ka muna.
Yung mga martyr sa pag-ibig, minsan naiipit sa ganyan. Sa panahon ngayon, nauuso ang term na "Friendzoned". Yun yung karaniwang sinasapit ng mga babae/lalaki kung:
A. Mahal ka niya pero hindi pa tamang panahon
B. Magkaibigan kayo at ayaw niyang masira ang pagkaka-ibigan sa pagitan ninyong dalawa
C. Gusto niyang sabihin na ayaw niyang maging kayo, sa mag light na paraan. Modern way ng pambabasted
Pero hindi yun ang topic. Dapat dun tayo sa mga martyr. Ang karaniwang tao lalayo, pero ang martyr gagawa ng paraan. Masaya ng makasama ang taong mahalaga sa kanila, kahit na alam nilang walang pag-asa na maging sila. Mas pipiliin nilang mapabuti ang mga taong mahahalaga sa kanya kesa sa sarili niya. Kung hindi ka naman ganyan, trying hard ka lang.
Sa point nung quote sa taas, minsan nakakasama na din ang pagiging martyr (martyr sa pag ibig ang tinutukoy ko, bow). Hindi lang sayo, kundi pati na din sa taong gusto mo. Sayo, dahil natatanga ka. Kinukulong mo ang sarili mo sa bagay na alam mong hindi mo mahahawakan. Marahil, oo nga, worth the wait ang eksena kung magkataon man na maging maganda ang kinalabasan ng ginagawa mo, pero time is gold my friend. Masasayang ang kung anung meron ka. Desisyon mo kung magpapatali ka pa sa kinalalakihan mong sistema. Masama naman para dun sa mahal mo, dahil naiipit din siya, sa paraan kung pano niya iha-handle yung mga bagay bagay na nangyayari. Kahit anong gawin niya, masasaktan ka. Lumayo man siya o hindi, masasaktan ka. Intindihin mo naman. Walang taong manhid.
Masasaktan ka lang. Yung sayang nakukuha mo, laging panandalian lang yan. Dadating at dadating ang panahon na magtatago siya sayo. Sikreto, pangyayari, kahit ano. Matututo siya at ikaw na magsinungaling. Masakit yun, promise.
Pipiliin mo ba na maging bayani? Isasantabi mo ang sarili at personal mong kaligayahan para lang makitang masaya ang taong mahal mo?
O,
Papanuorin mo ang sarili mo na maging hadlang sa kanyang mga desisyon at personal na plano?
Minsan, hindi masama lumayo. Alamin mo lang kung kelan, at ano ang tamang dahilan.
Kung sa bagay, friendzone guy din sa Batman.
No comments:
Post a Comment