Mag-iisang araw na pala, simula ng ginawa ko ang blog na ito. Sa totoo lang, wala talaga akong alam sa ginagawa ko. Sadyang gusto ko lang magsulat, dahil ito talaga ang dating hilig ko(oo, DATING hilig ko). Sayang naman kung hindi gagamitin di ba? Saka, na miss ko na din yata ang mampuna. Ako kasi yung klase ng tao na mahilig pumansin sa kung ano, pero hindi ko sinasabi sa iba.
Tulad ng sinabi ko, hilig ko DATI ang magsulat. Nasayang lang, dahil napadpad ang landas ko sa paglalaro ng online games, nawala ako sa staff ng official na dyaryo nung high school ako(kung bakit ako natanggal, secret na lang), at talagang wala na yata talaga akong makuhang WILL(nosebleed) para magsulat at maki-alam pa.
Sayang naman, kung sa Facebook ko lang ilalabas lahat ng gusto kong sabihin. Yun ngang may mga sense ang sinasabi, hindi naa-appreciate ng mga tao sa Facebook eh, karaniwan kasi sa mga nakikita kong madaming likes, eh yung mga status ng kung sino mang chix. Kahit tuldok lang yan, basta update galing sa chix, dinudumog ng tao.
Kung di mo alam kung ano o sino ang mga chix, hindi ka Pilipino.
Pero lumalayo tayo sa gusto kong iparating. Ano nga ba ang gusto kong sabihin? Wala naman. Gusto ko lang sabihin na gusto ko lang mampuna, ng kung ano, kahit ano, kahit sino, at kung anu man. Ayun lang. Promise, yun na yun. Hindi ko na papahabain, pero ang gusto ko lang talaga, ay ang muling magsulat.
Kung hindi mo naintindihan, wag mo ng intindihin. Promise, di mo din ako maiintindihan.
No comments:
Post a Comment